Friday, January 20, 2017

ELEVATOR SEX PART 1



“Shit! tanghali na pala” namutawi sa
bibig ni Andre pagkamulat at
pagkamulat pa lang ng mga mata.
Dali dali siyang naghanda para sa
pagpasok sa opisina. Ngayon pa
naman ang araw na kung saan ay
nakatakdang ganapin ng kanilang
departamento ang isang munting
welcome party na nakalaan para sa
kanilang bagong boss. Mula Pasig
hanggang
Makati na kung saan naroon ang
kanilang kumpanya ay halos
dalawangpung minuto lamang niya
biniyahe gamit ang motorsiklo.
“Shit, kung kailan ka naman
nagmamadali saka wala pang
available na elevator, buwisit talaga”
panggigigil niya. Makalipas pa ang
higit limang minuto ay may bumukas
ng elevator, agad niyang pinindot
ang numero ng palapag na kung
saan naroon ang opisina nila. Pasara
na ang pinto ng may humabol na
isang babae, “hay naku doble malas
talaga, nagmamadali ka na may
hahabol pa” naglalarong pagkabanas
sa isip ni Andre.
Lukot ang mukha na tinapunan niya
ng tingin ang humabol na babae,
hindi pamilyar sa kanya ang itsura.
“Siguro kliyente” sa loob loob ni
Andre.
Pero ang itsura na rin ito ang naging
dahilan para mas suriin pa niya ng
maigi ang kasama sa elevator.
Matangkad at maputi ang babae,
hindi kayang itago ng kasuotan ang
hubog ng katawan. Kung hindi
lamang pang opisina ang kanyang
kasuotan ay mapagkakamalan mo na
isang modelo lalo na’t parang sa
isang commercial model ng
shampoo ang mahaba, makintab at
tuwid na tuwid na itim na buhok.
Waring napahiya si Andre ng biglang
lumingon sa gawi niya ang babae.
Agadbinawi niya ang tingin ngunit sa
sulok ng kanyang mata ay nakita niya
ang pagguhit ng isang napakatamis
na ngiti mula sa labi ng babae kung
kaya’t awtomatikong bumaling muli
ang mata niya sa babae upang
suklian din ng ngiti.
Itutuloy 

No comments:

Post a Comment